-- Advertisements --

Nakalikom ng P1 milyon ang virtual concert na isinagawa ni National Artist for Music Ryan Cayabyab.

Layon ng concert na makalikom na pondo para sa pagtulong sa mga magulang na magpapaaral ng anak sa pagsisimula ng distance learning dahil sa coronavirus pandemic.

Nakasama niya dito ang ilang beteranong singers na sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Martin Nievera at Pops Fernandez.

Bukod pa sa mga singers ay nagtanghal din ang mga theater artists gaya ng nina Gian Magdangal, Gab Pangilinan, Lara Maigue at Sheila Valderama at iba na ginanap nitong Martes.

Gagamitin ang pondo para magbigay ng internet at mga digital tools sa mga mag-aaral na nangangailangan sa pagsisimula ng distance learning simula Agosto 24.