-- Advertisements --

Hindi natuloy ang virtual music launch ng Pinoy Pop boyband na SB19 matapos na ang mga miyembro nito ay na-expose sa isang nagpositibo sa COVID-19.

Sa kanilang Twitter account, kinumpirma ng grupo na sila ay naka-quarantine.

Dahil dito ay humingi ng paumanhin ang management ng grupo at iaanunsiyo na lamang nila sa mga susunod na araw ang schedule ng nasabing virtual music launch.

Paglilinaw pa rin nila na tuloy pa rin ang digital sale, music video at pagbebenta ng mga memorablia.