-- Advertisements --
Ikinokonsidera ng Department of Education (DepEd) ang pagsasagawa ng virtual Palarong Pambansa sa harap ng nararanasang pandemya.
Ayon kay Joel Erestain ng DepEd Secretariat, isinasapinal na raw nila ang naturang proposal bago ihain sa Inter-Agency Task Force (IATF).
Paglalahad ni Erestain, kung sakali ay hindi raw buong programa ng Palaro ang maisasagawa kundi mga pili lamang na mga events at mga disiplina.
Posible rin aniya silang magpatupad ng age limit sa mga kalahok na estudyante.
Sakaling payagan ng pamahalaan, ito na ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Palaro na isasagawa nang online ang naturang sporting event.