BUTUAN CITY – Sinimulan nitong Huwebes ng Department of Health (DOH) Caraga ang limang araw na Virtual Town Hall and Social Listening Forum kasama ang mga barangay kapitan sa buong rehiyon.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Romelyn Torralba, information officer ng DOH-Caraga, layunin nito na makakakuha ng vaccination services at mapa-angat ang demand ng mga magpapabakuna sa mga priority eligible groups nitong rehiyon simula nang umpisahan nitong Marso ang pagtuturok ng mga COLVID-19 vaccines.
Layunin din ng ahensya na dadami pa ang mga kinokonsiderang kampyon sa pamamgitan ng pagbibigay ng iba’t bang sectors information kaugnay sa vaccination program.
Ayon kay Torralba, dahil mayroong check and balance na ipinatupad, magbibigay sila ng update sa mga barangay kapitan kaugnay sa vaccine development, vaccination status report at pati na situational report ng rehiyon upang ma-intindihan ng mga kapitan ang lahat na dapat nilang malaman.