-- Advertisements --
Nagbabala ang Pagasa ng posibleng pagbaha sa malaking parte ng Mindanao dahil sa extension ng isang low pressure area (LPA).
Namataan ang namumuong sama ng panahon sa mahigit 800 kilometro sa silangan ng Mindanao.
Maliban dito, maaari ring makaranas ng mga biglaang ulan ang Eastern Visayas at Southern Luzon.
Habang malabo naman itong maging bagyo, batay sa ipinakikitang development ng LPA sa mga nakalipas na oras.
Ang Metro Manila at iba pang parte ng Luzon ay walang aasahang ulan dahil ang mainit na easterlies ang siyang nakakaapekto rito.