-- Advertisements --
Asahan ang mga pag-ulan sa Visayas at Mindanao dahil sa extension ng isang namumuong sama ng panahon.
Ayon kay Pagasa forecaster Lorie dela Cruz, huling namataan ang sentro ng low pressure area (LPA) sa layong 965 km silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Sa kabila nito, maliit ang nakikitang tyansa ng weather bureau na lalakas pa ang LPA bilang bagong bagyo.
Samantala, mainit na easterlies naman ang nakakaapekto sa Southern Luzon at iba pang parte ng ating bansa.