-- Advertisements --

Posibleng maagang matapos sa itinakda ang visa ban sa Australia ni Serbian tennis star Novak Djokovic.

Sinabi ni Australian Prime Minister Scott Morrison na kaniyang pag-aaralang mabuti ang mga nangyaring sirkumstansya.

Base kasi sa umiiral na immigration law sa Australia na hindi maaring mabigyan ng panibagong visa si Djokovic ng tatlong taon.

Dagdag pa ni Morrison na nasa batas rin Australia na ang three-year visa ban ay maaaring i-waive.

Magugunitang iginiit ng Australiang Immigration office na kanilang ipinagbabawalan ang mga hindi pa bakunadong dayuhan na magtungo sa kanilang bansa na nagbunsod sa hindi na pagdepensa nito ng kaniyang titulo sa Australian Open.