Inalis na ng gobyerno ng Kuwait ang visa ban sa mga domestic worker mula sa Pilipinas matapos ang isang taong suspensiyon na nagbunsod sa roq kaugnay sa karapatan ng mga empleyado at employer.
Ito ay kasunod na rin ng kasunduan sa pagitan ng Kuwait at PH para ipagpatuloy ang recruitment ng domestic workers matapos ang ilang negosasyon.
Sa isang statement, inihayag ng interior ministry ng Kuwait na pumayag ang 2 bansa na bumuo ng isang joint committee kaugnay sa domestic labour affairs.
Magpupulong ang naturang komite sa routine manner para matugunan ang anumang isyu.
Kung matatandaan, sinuspende ng Kuwait noong Mayo 2023 ang lahat ng bagong visa para sa PH matapos na umalat ang relasyon ng 2 dahil sa brutal na pagpatay ng anak ng employer na Kuwaiti sa domestic worker na si Jullebee Ranara.
Nagbunsod naman ito sa PH na itigil muna ang pagpapadala ng first-time workers sa Kuwait.