-- Advertisements --

Tuluyan nang kinansela ng Australian government ang visa ng tennis star at numero uno sa tennis ngayon na si Novak Djokovic.

Iginiit ng pamahalaan ng Australia na dalawang beses nang kinansela ang visa ng Serbian star na dahil hindi ito bakunado ng Coronavirus disease 2019 ay posibleng magdulot ito ng panganib sa komunidad.

Dahil dito, kailangan ulit ng second court battle ng Serbian tennis star para payagang manatili sa naturang bansa para sa kanyang kampanya na maitala ang ika-21 na major tennis title sa Australian Open/

Sinabi naman ni Australian Immigration Minister Alex Hawke na ipinatupad lamang nito ang kanyang discretionary powers para i-revoke ang visa ni Djokovic.