No-comment pa sa ngayon ang embahada ng China sa Washington matapos magpataw ang Estados Unidos ng visa restriction laban sa ilang Chinese officials na dawit umano sa iligal na pagkakakulong at pag-abuso sa Muslim minorities.
Dahil dito, mas lalong umigting ang tension sa pagitan ng Beijing at US kasunod ng 15-buwan nang trade war ng mga ito.
Inanunsyo ng State Department ang naturang hakbang matapos isiwalat ng U.S. Commerce Department ang umano’y pangmamaltrato sa Uighur Muslims at ilan pang kasapi ng Muslim ethnic minorities sa China.
Hindi naman nito pinangalanan ang mga Chinese officials na apektado ng visa restriction ngunit ayon kay Secretary of State Mike Pompeo ang naturang restriction ay magco-complement umano sa aksyon ng Commerce Department.