Iisa ang magiging boto ng 43-member Visayan bloc sa Kamara sa mahigpit na laban sa speakership race sa 18th Congress.
Ayon kay Negros Occidental 3rd District Rep. Alfredo “Albee†Benitez, ito ang consensus sa pagitan nilang mga mambabatas mula sa Visayas region sa kanilang naging pagpupulong kagabi.
Pero magre-reconvene pa raw sila sa Hulyo para ianunsyo kung sino ang kanilang susuportahan.
Bagamat outgoung House member na si Benitez, papalit naman sa kanyang puwesto ang kanyang kapatid na si Francisco.
Nang matapong kung susuportahan ng kanilang grupo ang manok ng ruling Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) party o isang kandidato mula sa Visayan region, sinabi ni Benitez na nagkasundo ang kanilang bloc na didipende ang kanilang desisyon sa “preference” ng buong grupo.
Nabatid na si Benitez ay miyembro rin ng PDP-Laban.
Sa limang confirmed aspirants para maging speaker, tanging si incoming Leyte Rep. Martin Romualdez lamang ang mula sa Visayas at miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats party.
Samantala, pambato naman ng PDP-Laban sina dating speaker at Davao del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez, Marinduque Rep. Lord Alan Velasco at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio Gonzales Jr. para maging lider ng Kamara.