-- Advertisements --

Itinanggi ng Visayas Command (VISCOM) ang umano’y mass resignationsng kanilang mga personnel kasunod ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang statement, sinabi ng isang VISCOM Army Information Officer Lieutenant Colonel Israel Galorio na wala silang natanggap na mga report mula sa kanilang subordinate units kaugnay sa anumang kakaibang pagpuno ng nabakanteng posisyon o pagbibitiw kasunod ng pag-aresto sa dating Pangulo.

Nagsimulang kumalat ang naturang mga usap-usapan online na marami umanong miyembro ng law enforcement units ng bansa ang nagpasyang magbitiw sa kanilang trabaho bilang pagsuporta sa dating Pangulo.

Nauna naman ng pinabulaan din ito ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at sinabing ito ay unverified dahil walang reports na may mga sundalong nagbitiw sa gitna ng pag-aresto sa dating Pangulo.

Sa kabila nito, tiniyak naman ng VISCOM na nananatiling non-partisan government organization ito na committed sa kanilang constitutional mandate.

Siniguro din ni LT. Col. Galorio na ang pokus ng lahat ng kanilang personnel ay nakatutok sa kanilang tungkulin na protektahan ang mga mamamayan sa Visayas region.