-- Advertisements --
Muling ilalagay sa ilalim ng yellow alert ang Visayas grid sa ikaapat na sunod na araw na.
Ito ay dahil nananatiling naka-force outage o nasa derated capacities ang 20 plant ng kuryente.
Sa inilabas na abiso ngayong araw ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ilalagay ang Visayas grid sa yellow alert mula 3pm hanggang 4pm at mula 6pm hanggang 7pm.
Ang available capacity ng grid ay naitala sa 2,926 megawatts habang ang inaasahang peak demand naman nito ay nasa 2,596 megawatts.
Una ng sinabi ng DOE na mas maraming yellow at red alerts ang inaasahan sa mga susunod na linggo dahil lumagpas na sa tinatayang demand ng kuryente sa bansa bunsod ng umiiral na mainit na panahon dahil sa El Nino.