CEBU – Nakuha na ng kanyang pamilya ang bangkay ni Nikka Dela Cruz, 26, isa sa apat na rebeldeng nakaharap sa hukbo sa armadong engkwentro na naganap pasado alas-9 ng gabi noong Miyerkules, Hulyo 6, 2022, kung saan, siya at ang tatlong iba pang miyembro ng New People’s Army (NPA), na lumahok umano sa armadong rebolusyonaryong kilusan sa Binalbagan, Negros Occidental, ay napatay.
Ito ang kinumpirma ni Major Israel Galorio, ang tagapagsalita ng AFP Visayas Central Command kung saan ibinunyag din ng opisyal na nakausap na ang kanyang pamilya, at sinabi ng mga magulang na nagpa-alam lang si Nikka na pupunta sa Manila noong nakaraang buwan at hindi na ito muling nakontak pa.
Sinabi ni Major Galorio na naghinala na ang ina ni Nikka sa kanyang ginagawa, at sinubukan itong inabisohan na itigil ang kanyang ginagawa, ngunit hindi nakinig si Nikka.
Ikinalungkot din ng opisyal na na-recruit si Nikka ng progresibong grupong Anak Bayan, sa Cebu, at base sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na nag-aaral pa ito nang ma-recruit, at tinatayang menor de edad pa ito sa panahon ng recruitment at isa ito sa mga kailangang bigyan tanaw ng gobyerno at mga magulang na may mga recruitment sa parehong grupo sa ilang paaralan sa Cebu.
Matatandaang una nang naiulat ng KADAMAY Cebu na ang pagkamatay ng Binalbagan 4, ay dapat ituring na isang “massacre” ng Armed Forces of the Philippines dahil ang apat na red fighters ay nagkasakit umano ng trangkaso at sumilong sa isang kubo at kulang sa kapasidad na makipaglabansa mga sundalo ng gobyerno, na mahigpit namang kinondena ni Major Galorio, dahil ang operasyon ay magkatuwang na isinagawa ng mga pulis sa lugar, at matatawag na legal na operasyon, at sa oras na nakita na ng mga biktima ang mga miyembro nang armadong puwersa, nagpaputok agad ito.