-- Advertisements --

LA UNION – Nagpaalala ang simbahan Katolika sa mga pilgrims na gawin spiritual ang pag Visita Iglesia ngayon semana santa.

Ayon kay La Union Bishop Daniel Presto, oportunidad na rin ito upang makapasyal ngayon Mahal na Araw kasunod ng pag-anyaya sa mga Katoliko na magkumpisal.

Dagdag pa ng obispo, pagkakataon din ito upang makapagdasal kasama ang pamilya o ang mga parishoners.

Inaasahan din ni Bishop Presto na sa pamamagitan ng Visita Iglesia, may pagkakaisa upang ipagdiwang ang banal na misa.

Samantala, iminungkahi naman ng obispo na huwag ng lumayo sa pag Visita Iglesia ang mga tao upang hindi umano mapagod ang mga ito.