-- Advertisements --

Austinduts

Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na “back on track” na ang Visiting Forces Ageeement (VFA) sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas.

Ang pahayag ay ginawa ng kalihim kanina sa isang Joint Press Conference sa Camp Aguindaldo kasama ang bumibisitang US Secretary of Defense Lloyd Austin.

Ayon sa kalihim, and desisyon na ituloy ang VFA ay ginawa ng Pangulo kagabi matapos ang kanilang pag-uusap ni Sec. Austin.

Magugunitang noong Pebrero 2020, Pormal na inihayag ng Pangulo na tatapusin na ang VFA na magiging epektibo anim na buwan mula sa panahong iyon.

Pero noong Hunyo 2020, inextend ng pamahalaan ng anim na buwan ang pagpapatupad nito at muling pinalawig ng karagdagang anim na buwan noong Nobyembre.

Hindi alam ni Lorenzana ang rason ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbabalik ng Visiting Forces Agreement ng Pilipinas sa Estados Unidos.

austin dnd lorenzana

Sa pulong kasama si US Defense Secretary Lloyd Austin, sinabi ni Lorenzana na nagkaroon ng termination letter na pinadala ang Pilipinas sa US pero ito ay binawi.

Sinabi ng kalihim posibleng nakumbinsi ang Pangulo sa kahalagahan ng VFA dahil tinatrabaho ng Department for Foreign Affairs ang usapin na ito.

Nasa Pilipinas si Austin para sa 2 araw na pagbisita sa kanyang mga Philippine counterpart.

Samantala, nagpapasalamat naman si Austin kay Pangulong Duterte sa pagpapatuloy ng VFA.

Naniniwala kasi si Austin na mas mapagtitibay pa ang ugnayan ng dalawang bansa kung magpapatuloy ang VFA.

Kabilang sa agenda ni Austin sa pagbisita sa Pilipinas ay upang mapalakas pa ang ugnayan ng dalawang bansa lalo nasa maritime cooperation at suporta sa AFP modernization.

“A strong, resilient U.S.-Philippine alliance will remain vital to the security, stability, and prosperity of the Indo-Pacific. A fully restored VFA will help us achieve that goal together,” pahayag ni US Defense Sec. Lloyd Austin.