GENERAL SANTOS CITY – Susubaybayan na lamang ni Rain Ramas, isang visual artist/ toy collector dito sa GenSan City na big fan rin ni Queen Elizabeth II sa Bombo Radyo ang libing ng reyna nitong araw.
Inihayag nito, isa siya sa bilyun-bilyong katao sa buong mundo na nais makita ang reyna ngunit tila sa panaginip na lang umano ito mangyayari.
Aniya, noong bata pa ay pangarap talaga nitong makapunta ng United Kingdom upang makita si Queen Elizabeth at ngayon ay balak pa rin nitong tuparin kahit wala na ang reyna.
Sinabi ni Ramas mas lalo itong namulat tungkol sa buhay ng reyna nang mabasa ang katangitanging tungkulin nito na itinuring na longest reigning monarch.
Samantala, bilang alaala kay Queen Elizabeth, sinabi ni Ramas na iingatan nito ng mabuti ang manika ng reyna na kanyang nabili na preloved noon pa sa halagang P500 lamang.
Ngunit ng kanyang inalam ang presyo nito kasunod ng pagkamatay ng reyna ay nasa P60,000 mahigit na ito ngayon.
Inamin naman ni Ramas na nakakapanghinayang lamang na nawala noon ang sarili nitong gawa na manika kay Queen Elizabeth.