-- Advertisements --

Nagbitiw bilang Director General ng Film Academy of the Philippines (FAP) ang beteranang actress Vivian Velez.

Sa kaniyang social media ay nagpost ito ng kumpirmasyon ng kaniyang pagbibitiw sa puwesto.
Pinasalamatan niya ang mga Board of Directors ng Cultural Center of the Philippines (CCP) dahil sa pagbibigay ng oportonidad para manilbihan bilang Director General ng FAP.

Dagdag pa nito na isang malaking hamon ang kaniyang pamumuno lalo na noong panahon ng COVID-19 pandemic.

Noon pang Mayo aniya ay nagsumite na ito ng kaniyang irrevocable resignation kung saan papalit sa kaniyang puwesto ang kasalukuyang treasurer ng FAP na si Manny Marfe.