-- Advertisements --

Tuluyan nang makaka-move on si Crisha Uy kasabay ng pasasalamat sa Diyos na hindi sila natuloy magpakasal ng aktor na si Joem Bascon.

Pahayag ito ng nasabing vlogger, ilang linggo matapos ang Bagong Taon kung kailan isinapubliko ng aktres na si Meryll Soriano ang newborn baby nila ni Bascon.

Crisha Uy

Nabatid na walong taon ang naging relasyon ni Crisha at Joem bago naghiwalay noong 2019 kahit engaged na.

Sa pamamagitan ng kanyang bagong video blog (vlog), emosyonal si Crisha sa pagsasabing alam na nito ang pagbabalikan ng dalawa bago pa man umamin sa publiko at masarap sa pakiramdam na tama pala ang kanyang hinala noong ma-fell out of love sa kanya ang long time boyfriend.

“Nagalit ako kasi bumalik ‘yung feelings ko na I was betrayed all over again. Iba pala ‘yung feeling na nakita mo versus kinuwento or chinika lang sa ’yo. Parang feeling ko kasi kailangan kong ilabas ‘yung naramdaman ko that day ‘yung galit ko, ‘yung sakit na ‘yun, kung ano mang naramdaman ko that day. But hindi dahil mahal ko pa siya kung hindi, you know — kasi naka-move on na ako ‘eh. Ano lang finally, finally na-confirm ko na nagsinungaling talaga siya noon. That I was lied to,” saad ni Uy.

Dagdag nito, “Kasi I gave them the benefit of the doubt eh before. Pero ‘yun na nga, sampal pala sa mukha nung nakita ko ‘yun. Sampal sa mukha na tama pala ‘yung hinala ko noon. Na finally girl — confirmed!”