-- Advertisements --

Nasa restrictive custody ang kontrobersyal na si patrolman Francis Steve Fontillas matapos na paglabas ng saloobin sa gobyerno dahil sa pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni National Police Commission (NAPOLCOM) Commissioner Rafael Vicente Calinisan, na mangiyak-iyak at labis ang pagsisi noong ito ay nagreport sa Quezon City Police District.

Nangako rin ito na hindi na siya magpo-post ng mga nakakasirang komento at hate speech sa social media.

Ganun pa man ay itutuloy pa rin ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang pagsampa ng criminal at administrative case laban kay Fontillas.

Ayon naman sa QCPD na sasailalim si Fontillas sa neuro-psychiatrc examination ito bilang bahagi ng requirements sa Return to Active Duty.