-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Inamin ng vocalist ng sikat na American pop band na Lany na si Paul Klein na hanga siya sa pagmamahal ng mga Pilipino sa kanilang musika.

Sa tanong ng Star FM Baguio kay Paul sa kung ano nga ba ang kanilang mga hindi malilimutang karanasan sa kanilang mga naging pagbisita sa Pilipinas, inilarawan nito kung paano sila sinalubong ng mga Pinoy pagbaba pa lang nila sa airport.

“It’s always so funny when we come to the Philippines because we don’t fly first class. We can’t afford to. So we’re normally in the back of the plane. I’m like sitting on the toilet basically! And then we’d land, and for whatever reason, the Philippines just love us so much. There will be like a police escort on the runway, and then we’ll walk from the toilet of the back of the plane to then get this pop star treatment. It’s just so funny. It’s so cool and something that we’re not used to. It’s really precious and so sick.”

Matatandaang limang beses ng bumista ang three-member band na kinabibilangan nina Paul, Charles Leslie “Les” Priest at Jake Clifford Goss sa Pilipinas, at huli itong nagtanghal sa Cebu noong Pebrero ng taong 2020. Looking forward din umano ang banda na makapasyal muli sa bansa.

“We love it over there and we feel really like cool when we go over there. We love our fans and to play those big shows — it’s a once in a lifetime opportunity that nobody on our whole team takes for granted. We protect it and we love it. We wish we could be there like legitimately right now.”

Kilala ang bandang Lany sa kanilang mga hit songs na “ILYSB”, “Malibu Nights”, “Thick and Thin”, at “13.”

Noong September 3 nga ay inilbas ng Lany ang kanilang pinakabago at fourth studio album na gg bb xx kung saan tampok ang mga kantang “Never Mind, Let’s Break Up,” “Up To Me,” “DNA” at “Dancing in the Kitchen”.