-- Advertisements --
image 606

al

Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na cleared na sa volcanic smog ang Bulkang Taal.

Batay sa pinakahuling tala na inilabas ng kagawaran, ay aabot sa 2,730 tons kada araw ang ibinugang sulfur dioxide ng naturang bulkan mula alas-5:00 ng umaga kahapon hanggang alas-5:00 ng umaga kanina.

Mas mababa ito kung ikukumpara sa 4,569 tons na sulfur dioxide na ibinubuga ng Taal kada na una nang naitala ng ahensya.

Ngunit gayunpaman ay sinabi ng ahensya na sa kabila nito ay nananatili pa rin ang mga banta na dulot nito.

Paliwanag ng PHIVOLCS, hangga’t nagpapatuloy kasi anila ang pagbubuga ng sulfure dioxide ng Bulkang Taal ay magpapatuloy pa rin ang bantang dala-dala nito.

Kaugnay nito ay umakyat na rin sa 11 ang bilang ng mga apektadong luagr sa Batangas nang dahil sa epekto ng patuloy na aktibidad ng Bulkang Taal.