Nagluluksa ngayon ang volleyball community sa bansa matapos ang pagpanaw ng beteranong coach na si Ronald Dulay sa edad 48.
Ayon kay Marinerang Pilipina manager Jed Montero, hindi na nito nakayanan ang sakit nito sa bone marrow.
Naging dating player ng Marinerang Pilipina si Dulay at kasalukuyang Lady Skipper coach.
Naglaro siya ng tatlong UAAP volleyball champion team sa Far Eastern University noong dekada ’90 bago naging coach.
Naipanalo niya ng dalawang kampeonato ang La Salle men’s volleyball team noong 2001 at 2003 bago naging coach ng women’s division.
Kinuha rin siyang coach ng UP at Letran bago bumalik sa Green Spikers noong 2014 hanggang 2016.
Nanilbihan siyang assistant coach ng Philippine women’s volleyball team sa ilalim ni coach Ramil De Jesus noong 2005 Southease Asian Games kung saan nagwagi sila ng bronze medal.