-- Advertisements --
Hindi na makakasama sa pagsasanay ng women’s national volleyball team sa Thailand si Alyssa Valdez matapos na magtamo ito ng ankle injury.
Nakatakda sanang sumunod si Valdez sa ibang mga kasamahan nito sa koponan para sa paghahanda sa ASEAN Grand Prix na nakatakda sa Setyembre 20.
Umaasa naman ang ilang kasamahan nito na agad na gumaling si Valdez para makasama na siya sa paglalaro.
Ang ASEAN Grand Prix ay bahagi ng koponan para sa paghahanda sa 2019 Southeast Asian Games.