-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ni Farm Fresh Foxies libero Jheck Dionela na ito ay engaged na sa nobyong si Alon Untalan.

Sa social media account nito ay ibinahagi niya ang larawan nilang dalawa na mayroong suot siyang engagement ring.

Bumuhos naman ang mga pagbati mula sa kaniyang fans at maging sa mga kasamahan nitong volleyball players matapos na malaman ang magandang balita.

Mula pa noong 2017 ay magkarelasyon na ang dalawa.