-- Advertisements --
Nagpasya ang sikat na setter na si Jia de Guzman na hindi maglaro para sa Creamline ngayong 2025 AVC Women’s Champions League.
Sa halip aniya ay itutuloy na nito ang paglalaro sa Denso Airybees campaign sa 2024-25 season ng SV League sa Japan.
Matatapos ang nasabing liga sa Mayo habang ang Women’s Champions Leagu ay nakatakda sa Abril 20-27 sa Philsport Arena.
Nagpahayag naman ng suporta ang Creamline sa paglalaro ni de Guzman sa Japan.