-- Advertisements --
Nakatakdang magsagawa ng dalawang araw ng kanilang kasal ni volleyball star Michelle Gumabao at nobyong si Aldo Panlilio.
Ayon sa kaniya na plano nilang ikasal sa buwan ng Pebrero at sa Marso ngayong taon.
Labis siyang nasasabik dahil sa hamon ng paghahanda lalo na at kasabay pa ng volleyball season.
Dagdagd pa ng Creamline Coolsmasher star na magiging pribado ang mga detalye ng kanilang pag-iisang dibdib.
Naging-engaged ang dalawa noong nakaraang taon kung saan plano pa rin nitong ituloy ang kaniyang career.