-- Advertisements --

Binati ng volleyball community ang beauty queen na si Michele Gumabao na dating isa sa stars noon sa UAAP.

Kung maalala marami ring pinahanga si Gumabao na pumuwesto sa ikatlo sa ginanap na Miss Universe Philippines sa Baguio City nitong nakalipas na Linggo.

Isa sa bumati sa kanya ay ang dating teammate sa Creamline team at karibal sa kolehiyo na si Alyssa Valdez.

alyssa gumabao

May throwback photo pa ito na black and white sa jersey at may caption na: “Stay Phenomenal.”

Si Denden Lazaro, na malapit ding kaibigan ni Michele ang nag-comment nang ganito: “So proud of you, MG.”

Ang dati ring volleyball player na si Gretchen Ho ay puring-puri rin si Gumabao, “Beautiful @gumabaomichele we are proud of you and your journey.”