-- Advertisements --

Napili ang beteranang volleyball player Alyssa Valdez bilang team captain ng women’s national volleyball team na sasabak sa 32nd Southeast Asian Games na gaganapin sa Cambodia sa buwan ng Mayo.

Ito ang inanunsiyo ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) kasabay ng paglabas nila ng listahan na sasabak sa SEA Games.

Makakasama ni Valdez ang anim na kasama niya sa Cool Smashers na kakakuha ng kampeonato sa 2023 Premier Volleyball League All-Filipino Conference.

Malaking hamon ito ngayon kay Valdez dahil sa kakagaling lamang niya sa injury sa kaniyang tuhod kaya hindi ito nakapaglaro sa All-Filipino Tournament.

Magugunitang nagtapos lamang sa pang-apat na puwesto ang womens’ volleyball team ng bansa noong 31st SEA Games na ginanap sa Vietnam noong nakaraang taon.

Magsisimula ang Cambodia SEA Games sa Mayo 5 pero mayroong laro na ang volleyball team ng bansa sa Mayo 3.