Bumaba na umano ang volume ng asupre na ibinubuga ng Bulkang Kanlaon sa nakalipas na 24 hrs.
Ito ay batay sa monitoring na isinasagawa ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Noong Sabado, June 15 ay nakapagtala ang Phivolcs ng 4,395 na tonelada ng asupre(sulfur dioxide) ngunit lumalabas sa bagong report na umabot na lamang ito sa 1,807 tons.
Sa kabila nito, sinabi ng Phivolcs na nagpapatuloy pa rin ang mapaminsalang aktibidad ng bulkan, lalo na ang steaming activity o pagsingaw nito.
Ayon sa ahensya, umabot sa 300 metro ang huling namonitor na taas ng singaw nito, kasabay ng anim na volcanic earthquake.
Dahil dito, mahigpit pa ring ibinabala ng PhiVolcs na huwag pumasok sa permanent danger zone dahil sa panganib na dulot ng bulkan.