Umangat ng 9.6% ang volume ng mga karneng inangkat ng Pilipinas sa unang anim na buwan ng 2024, batay sa datus ng Bureau of Animal Industry (BAI).
Sa naturang datus, umabot na sa 647.7 million kilograms (kg) ang inangkat ng Pilipinas habang noong unang anim na buwan ng 2024 ay umabot lamang ito sa 590.8 million kg.
Nananatili pa rin ang pork o karne ng baboy na may pinakamataas na volume na may kabuuang 317 million kg. Ito ay katumbas ng 48.9% ng kabuuang inangkat na karne.
Sumunod naman dito ang karne ng manok na may kabuuang 221.1 million kgs habang pangatlo ang karne ng baka na mayroong kabuuang 84.9 million kgs.
Una na ring sinabi ng United States Department of Agriculture’s Foreign Agricultural Service (FAS) na aangat muli ang volume ng mga aangkatin ng Pilipinas na karne sa 2025 dahil sa posibleng limitadong supply at mataas na konsumo.