ILOILO CITY – Nahaharap sa indefinite suspension ang isang volunteer responder ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Leon, Iloilo.
Ayon kay Mr. Felgen Cagape, pinuno ng Leon MDRRMO, humingi na ng paumanhin ang volunteer responder na si Noel Cabana matapos pinasok ang kwarto ng isang Locally Stranded Individual.
Ayon sa salaysay ni Cabana, may narinig siyang sumisigaw sa loob kung kaya’t pinasok niya ang kwarto ngunit nilinaw ng volunteer responder na wala siyang masamang hangarin kundi ang makatulong lamang.
Sa panig naman ng Locally Stranded Individual na hindi na pinangalanan, ikinagulat nito nang makita ang mukha ng isang lalaki na hindi niya kilala sa dis-oras ng gabi.
Sa kaibila nito, naareglo rin ang gusot ng magkabilang kampo.