-- Advertisements --

Nakatakdang magsampa ng kasong perjury ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa dating BuCor Officer in charge Rafael Marcos Ragos dahil sa pagbaliktad nito sa kaniyang sinumpaang testimoniykaugnay sa drugs charges na inihain laban kay Senator Leila De Lima habang ito ay kalihim ng Department of Justice.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Prosecutor General Benedicto A. Malcontento, inihahanda na ng VACC ang kaso laban kay Ragos.

Aaantayin nalamang anila ang ihahaing kaso o anumang entity na maghahain laban sa kaniya saka nila ito pagdedesisyunan.

Bukas din aniya ang DOJ sa inisyatigo mula sa office of the ombudsman na magsagawa ng imbestigasyon sa sarili nitong paraan hinggil sa claims ni Ragos na pinwersa siya ng dating DOJ officials, kasalukuyang National Bureau of investigation officials at DOJ prosecotirs para tumestigo laban kay De Lima.

Si Ragos ay dati ring deputy director forintelligence ng NBI bago ito naassigned sa BuCor.

Sang-ayon din ang DOJ official na pagdatring sa coercion allegations mas mabuting ang Office of the Ombudsman ang humawak ng naturang kaso dahil sa mga sangkot na personalidad ay dating mga opisyal ng DOJ at ang ilan ay kasalukuyang miyembro ng prosecution panel.

Binigyang diin din ni Malcontento na ang recantation ni Ragos sa kaniyang testimoniya ay hindi makakaapekto sa drug cahrges laban kay De Lima sa ilalim ng Criminal Case no 17-165 at 17-167 na kasalukuyang pending sa Muntinlupa City Regional Trial court.