Sinabi ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia na mas babantayan nila lalo ang maaaring pagbili at pagbenta ng mga boto ngayong pumasok na ang local campaign period.
Ayon kay COMELEC Chairman Garcia, inaasahan nila na mas dadami pa ang mga ganitong klaseng reports ngayon na pumasok na ang panahon ng pangangampanya sa lokal na lebel. Dagdag pa niya na sa kasalukuyan wala pa namang naitatala na sangkot ang national candidates.
Pagtitiyak niya na ang lahat ng reports na maipapasa sa komisyon ay agaran nila aaksyunan at iimbestigahan. Kung kinakailangan na madiskwalipika at makasuhan ang kandidato na napatunayan na ginawa ito, handa ang poll body na gawin ito.
Ang Committee on Kontra-Bigay ng poll body ang namumuno sa pagbabantay pagdating sa mga vote-buying at selling ngayong panahaon ng pangangampanya.