Mas malala pa ang vote buying incidents sa halalan ngayong taon kumpara sa nakalipas na eleksyon noong 2016, ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon.
Sa isang panayam, sinabi ni Guanzon na hindi raw niya matukoy sa ngayon kung ito raw ba ay dahil mas marami lang talaga ang nahuhuli sa vote buying sa ngayon kumpara sa nakalipas na halalan.
“Hindi ko lang alam kung ito dahil marami lang nahuli, pero sa reports talagang mas marami ngayon,†ani Guanzon.
Sinabi ng opisyal na ang halaga ng bribe sa mga botante ngayong 2019 polls ay tumaas din.
May mga report silang natatanggap na binibili ang boto ng mga botante sa halagang P1,000 hanggang P1,500.
Gayunman, wala pa aniyang senatorial candidate ang nauugnay sa vote buying sa ngayon.
Ang lahat ng reports na kanilang natatanggap aniya ay kinasasangkutan lamang ng mga local candidates.