Wala nang plano ang Commission on Elections (Comelec) na palawigin pa ang voter registration na nakatakdang magtapos sa Setyembre-30.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, nananatiling mataas ang interes ng mga bagong registrants na magtungo sa mga registration center o local Comelec office para magrehistro.
Sa kasalukuyan ay naabot na rin ng komisyon ang 5.3 million na bilang ng mga bagong botante na malayong-malayo kumpara sa mahigit 3 million na target sa pagbubukas ng registration, ilang buwan na ang nakakalipas.
Batay sa huling record ng komisyon, mayroong 65.9 million botante ang maaaring makapagboto sa sa 2025 Midterm Elections.
Nananawagan naman si Garcia sa mahigit 5.2 million botante na una nang natanggal at na-deactivate na samantalahin ang nalalabing panahon upang magpa-reactivate para makaboto sa susunod na halalan.
Sa pagtatapos ng registration period, target ng komisyon na maabot ang hanggang sa 70 million registered voters.