-- Advertisements --

Posibleng simulan na ang voter registration para sa 2025 midterm election sa Pebrero ayon sa Commission on Elections (Comelec).

sinabi ni Comelec Chairman Goerge Garcia, maaaring sa unang linggo ng Pebrero sisimulan ang voter registration hanggang sa Setyembre ng kasalukuyang taon.

Samantala, isinasapinal pa an schedule ng voter registration period ng commission en banc.

Nagpaalala naman ang Comelec na eksaktong 273 araw na lamang ang nalalabi para sa mga Pilipinong overseas voter para magparehistro para sa 2025 elecions.

Una na ngang sinimulan ang overseas voter registration period noong Dec. 2, 2022 at magtatapos sa Sep. 30, 2024