Inanunsiyo ng Commission on Elections (Comelec) na magsisismulang tumanggap muli ang kanilang tanggapan ng mga registration ng mga botante sa buwan ng Hunyo o Hulyo ng kasalukuyang taon.
Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Commissioner George Garcia, ang mga kawalipikadong indibdiwal na hindi nakapagparehistro na makibahagi sa pagpapatuloy ng voter registration sa unang linggo ng Hulyo ngayong taon.
Inaasahang sa Disyembre ngayong taon nakatakdang isagawa naman ang barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Base sa data mula sa Comelec, nasa 65.8 million Pilipino ang kabuuang nagrehistro noong May 9 elections.
Samantala, itinanggi naman ni Garcia ang kumakalat na statement umano ng poll body na nagamit na nito ang piondo para sa barangay elections.
Aniya wala pang naibibigay sa poll body na pondo para sa barangay elections.
Ayon kay Garcia maaaring iberipika sa Department of Budget and Management kung saan nananatili aniyang intact ang pondo para sa barangay election ngayong taon.