-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Simula na Nobyembre 9, 2020 ay magiging Lunes hanggang Biyernes na ang Voter Registration ng Comelec hindi lamang sa lungsod kung di pati na rin sa buong bansa.

Mula 8am hanggang 3pm ang voter registration, ayon pa sa pamunuan ng Comelec.

Ginawa ang bagong scheduling upang bigyang daan na makapagparehistro ang mga botante at disinfection na rin ng mga tanggapan ng Comelec kada weekend.

Matatandaang muling isinagawa ang Voter Registration noong September 1, 2020 mula araw ng Martes hanggang Sabado.

Kinakailangan pa ring magsuot ng face mask at face shields ang lahat ng magpaparehistro, sumunod sa physical distancing at disinfection protocols bago ang aktwal na voter registration sa mga tanggapan ng Comelec.

Dagdag din na kinakailangang kumuha muna ng voter registration form at ifill-up ito sa pamamagitan ng online application sa www.comelec.gov.ph.

Kaugnay nito ay suspendido muna ang Voter Registration sa Oktubre 31, 2020 hanggang Nobyembre 2, 2020 upang bigyang daan ang paggunita ng undas sa buong bansa.

Magpapatuloy naman ang registration pagsapit ng Nobyembre 3, 2020.