-- Advertisements --

MANILA – Pinalawig pa ng Commission on Elections (Comelec) ang schedule ng voter registration bilang paghahanda sa national at local elections sa 2022.

“To help bolster voter registration turnout, the Comelec has increased voter registration hours and set a new and extended schedule of voter registration ahead of the May 9, 2022 National and Local Elections,” nakasaad sa press release.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, mula Martes hanggang Sabado bukas ang mga opisina ng Election Officers sa buong bansa para tumanggap ng mga magpapa-rehistrong botante.

Alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon bukas ang Offices of the Election Officers (OEO); at kahit holiday daw ay tatanggap sila ng voter registration.

“The new schedule will be implemented beginning February 15, 2021.”

Para matiyak na nasusunod ang health protocols, itinakda ng poll body sa pagitan ng Biyernes at Lunes ang designated disinfection day sa mga OEO.

“However, if the local government unit prescribes another day for disinfection and such is within the workweek, the OEOs shall also observe the LGU disinfection day on top of Monday Disinfection Day.”

“During disinfection, all Comelec offices nationwide will be closed and there will be no transactions with the public.”

Sa hiwalay naman press release, ipinaliwanag ng ahensya ang itinakdang calendar of activities at mga ipinagbabawal na aktibidad kaugnay ng eleksyon.