-- Advertisements --

Inihayag ng Commission on Elections na mas pinadali na ngayon ang voter registration.

Ayon kay Atty. John Rex Laudianco, spokesperson ng COMELEC, maaaring i-download ang application form sa kanilang website o sa www.comelec.gov.ph at punuan ng detalye bago umano pumunta sa kanilang tanggapan.

Ani Laudianco, paalala na magdala ng valid government issued Identification Card (ID) gaya nalamang ng Passport, National ID, UMID ID, NBI clearance, LTO Driver’s License ID, PRC ID, Senior Citizen ID.

Sa mga estudyante, pwede ang School ID o Library card basta may pirma aniya ng school authorities.

Ayon pa sa tagapagsalita, sa mga nabanggit na ID dapat ay makita dito ang birthday, complete name, address, picture, at pirma.

Sakali naman na walag ID at 1st time magparehistro, pupwede umano ang barangay certification basta siguraduhin na mayroon ito ng mga nabanggit na detalye. Kung sakali naman na wala pa rin ng mga nabanggit ID at certification, pwede rin ang affidavit ng kababayan na registered voters na makakapagpatunay na ang lahat ng sinasabi niyo sa application form ay totoo.