Sinuspindi na rin ng Commission on Elections (Comelec) ang lahat ng schedule ng voter registration sa lahat ng mga lugar na nasa tinatawag na National Capital Region (NCR) bubble at ilang lugar na nasa ilalim ng modified enhances community quarantine (MECQ).
Sa abiso ng Comelec, pansamantala munang suspendido ang voter registration sa mga sumusunod na lugar na nakasailaim sa modified enhanced community quarantine.
NCR, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal o mga lugar na nasa NCR-plus.
Suspendido rin ang voter registration sa Santiago City sa Isabela, Abra, Quirino at sa iba pang mga lugar na nasa ilalim ng MECQ.
Ayon sa Comelec, kasabay ng suspensyon ng voter registration sa mga naturang lugar, suspendido din muna ang voter’s certification.
Epektibo ang suspensyon ng mga opisina ng Comelec simula ngayong araw April 12 hanggang April 30, 2021.
Magpapatuloy naman ang voter registration at certification sa iba pang bahagi ng bansa na nasa ilalim na ng General Community Quarantine (GCQ) at Modified GCQ.
Samantala, bukas naman ang opisina ng COMELEC para sa Overseas Voting sa Intramuros, Maynila para sa mga aplikante na mayroong “urgent travel” sa panahon ng MECQ.
Maaring makipag-ugnayan ang aplikante sa mga official social media accounts ng Comelec.