CAGAYAN DE ORO CITY-Ipagpatuloy ng Commission on Elections o Comelec ang voters registration na magsisimula bukas, Agosto 1.
Ito’y kahit sinabi ni Pres. Rodrigo Duterte sa kanyang 4th State of the Nation Address o SONA na sususpendihin ng kongreso ang Sangguniang Panlalawigan (SK) at barangay elections sa 2020 at gawin ito sa buwan ng Oktubre 2022.
Ayon kay Comelec Region 10 Dir. Renato Magbutay, ipagpatuloy ang pag-rehistro lalong-lalo na sa mga bagong butante bilang paghahanda kung saka-sakaling matuloy ang SK at barangay elections.
Umapela ito sa mga bagong butante na magparehistro upang makaboto sa halalan.
Sinabi ni Magbutay na bukas ang kanilang mga tanggapan sa araw’ng lunes hanggang sabado simula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.
Aniya, magsasagawa rin ang Comelec ng satellite registration sa bu-ong bansa.
Magtatapos ang voters registration sa buwan ng Septembre 2019.