-- Advertisements --
Comelec building 2022 05 26 01 04 03

Hinimok ng Commission on Elections (Comelec) ang mga karapat-dapat na botanteng Filipino na magparehistro na bago ang deadline sa Enero 31.

Ayon kay Commission on Elections chairman George Garcia, maaaring hindi na ma-extend ang pagpaparehistro para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Aniya, walang maisip na dahilan ang poll body kung bakit dapat magkaroon ng extension dahil ipinaalam nila sa publiko ang inisyatiba at inilunsad ang Register Anywhere Project (RAP), na nagpapahintulot sa mga kwalipikadong botante na magparehistro.

Maaaring isaalang-alang ng komisyon ang extension sa ilang lugar kung saan nahadlangan ang pagpaparehistro ng mga botante dahil sa pagbaha dahil sa dulot ng mga sama ng panahon.

Sa ngayon, sinabi ni Garcia na ang Commission on Election registration sites sa buong bansa ay nakatanggap na ng hindi bababa sa 1,028,000 na aplikasyon mula nang magbukas ito noong Disyembre 12, 2022.

Target ng poll body na magkaroon ng 1.5 milyon hanggang 2 milyong bagong botante ang nakarehistro hanggang Enero 31 na deadline.

Una na rito, ang Commission on Election ay nakipagtulungan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pilot launch ng RAP sa ilalim ng One-Stop-Shop Serbilis On-the-Go ng ahensya.