-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Ipagpapatuloy ang voters registration sa Cordillera Administrative Region sa Hulyo Uno ng kasalukuyang taon.

Naghahanda na ang Commission on Elections (Comelec) para sa mga scheduled registration kasabaya ng community quarantine.

Ayon kay Benguet Election Supervisor Julia Elenita Capuyan, mandatory na ngayon ang pagsusuot ng mga empleyado ng Comelec ng face mask habang nagpaparehistro ang mga interesadong maging botante.

Inihayag niyang habang ipinapatupad ang quarantine ay walang isasagawang overtime sa pagpaparehistro at magsisimula sa Lunes hanggang Biyernes lamang ang registration.

Hinihikayat nito ang mga interesadong makibahagi sa registration na kanilang i-download ang voter’s registration form sa official website ng Comelec.