-- Advertisements --

CEBU CITY – Ipinagkatiwala ng tanggapan ni Sen. Pia Cayetano sa Bombo Radyo Cebu ang tulong pinansyal para sa mga nangangailangan ng medical assistance sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa lalawigan ng Cebu.

Personal na isinagawa ni Dr. Rey Martinez, chief political officer for Visayas, ang pag-turnover ng mga voucher sa programang Bombohanay Bigtime ni Bombo Marchoflix Lucabon, station manager ng Bombo Radyo Cebu.

Inihayag nito na libre ang nasabing voucher at kailangan lang na ipakita ang medical abstract ng pasyente.

Ang nasabing tulong pinansyal ay aabot sa P2,000 hanggang P50,000.

Aniya, naniniwala itong walang bahid pulitika ang Bombo Radyo kaya nila napagdesisyunan na dito sa himpilan ipagkatiwala ang nasabing mga voucher.

Maliban sa nabanggit na medical assistance ay nagbigay rin si Martinez ng mga Personal Protective Equipment (PPEs) at alcohol para sa mga empleyado ng Bombo Radyo Cebu.

Giit nitong kinilala nila ang ambag ng media sa panahon ng krisis kaya ibinigay nila ang mga nasabing PPEs bilang pasasalamat.