-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nakipagselfie sa mga Guro,Estudyante at mga magulang si Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte Carpio sa pagbisita nya sa probinsya ng Cotabato.

Unang tinungo ni VP Carpio ang Pikit National High School kung saan nag-aaral ang estudyanteng nasawi sa pamamaril sa bayan ng Pikit Cotabato kamakailan.

Bukod sa Pikit National High School, dumalaw din Bise-Presidente sa Pikit Central Elementary School.

Kinausap ng DepEd Secretary ang ilang mga mag-aaral para bigyang inspirasyon na magpatuloy sa pag-aaral sa kabila ng mga hamong pansiguridad na kinakaharap ngayon ng bayan.

Magbibigay ng karagdagang tulong si VP Duterte sa dalawang paaralan sa Pikit.

Kinausap rin ni Carpio ang LGU-Pikit,militar at pulisya na paigtingin pa ang Securidad sa bayan ng Pikit.