-- Advertisements --

CEBU – Guest of honor sa 168th Founding Anniversary Bohol si Vice-President at DepEd Secretary Sara Duterte-Carpio.

Kaninang umaga dumating si Sara sa bayan ng Clarin, Bohol.

Pagkatapos ng Clarin, dumiretso ang Bise Presidente sa Bohol Cultural Center kung saan gaganapin ang programa ng Bohol Day.

Sa talumpati ni Duterte-Carpio sa nasabing aktibidad, nagpasalamat ito sa mga Bol-anon sa suportang kanilang natanggap noong nakaraang halalan.

Pinuri rin ng bise presidente ang mga Boholanos sa kanilang tapang at lakas ng loob na makabangon kahit paman sa mga nagdaang kalamidad ay patuloy parin itong lumalaban.

Samantala, sa kanyang pagbisita sa Clarin ay personal nitong nakita ang kalagayan ng ilang paaralan sa nasabing lugar.

Gayunman, nagkaroon rin ng maikling pagtatagpo sa ilan sa mga opisyal at mga guro sa nasabing lugar at nakapag-usap tungkol sa mga pangangailangan ng bawat paaralan at mga guro.