BUTUAN CITY – Pinapawagan ngayon ng mga education stakeholders si Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio na sa 2025 na ipapatupad ang pag-shift para sa pagbabalik sa school year mula sa kasalukuyang July hanggang Mayo, at gawin nang June to March upang ma-iiwasan ang pagkaka-expose ng mga bata sa matinding init ng araw.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Sonny Matula, presidente ng Federation of Free Workers na ito ang napagdesisyunan sa tatlong araw nilang trade union rights conference sa Cagayan de Oro City.
Ayon sa opisyal, hindi lamang umano ang pangangatawan ng mga estudyante ang tu-tutukan dahil apektado din ang mga teaching at non-teaching staff sa ganitong panahon.
Sa pamamagitan umano sa paglilipat ng school year ay makaka-bakasyon ang mga estudyante pati na ang mga guro na kasama ang kanilang pamilya upang makapag-unwind.