-- Advertisements --
image 583

Tinitingnan ni Vice President at Education Secretary ang posibleng pagpapalakas sa relasyon ng bansa sa China, sa pamamagitan ng edukasyon at youth development.

Ayon kay Duterte, maaaring mapalakas ang pagtutulungan sa pagitan ng dalawang bansa, sa pamamagitan ng pag-explore sa ibat ibang opportunidad sa edukasyon.

Sinabi ni Duterte na tinitingnan nito ang ilang mga partnership na maaaring pagsamahan ng dalawang bansa, na maaaring makapagbigay ng ng aniya’y ‘mutually beneficial outcome’ sa Pilipinas at China.

Pagtitiyak ng Pangalawang Pangulo, tinitingnan din ng China ang ganitong anggulo, at positibo sa ninanais na partnership kasama ang Pilipinas.

Maliban sa sektor ng Edukasyon, umaasa rin ang kalihim na lalo pang gaganda ang ugnayan sa pagitan ng China at Pilipinas sa ibang sektor.

Kasama na dito ang agriculture, trade, investment, at maging sa larangan ng agham.